Napilitan na ring iwanan ng mga empleyado o mga diplomatic staff ng Estados Unidos sa kanilang kunsulada sa siyudad ng Chengdu sa China.
Ito ay makaraang magpaso na ang 72 hour deadline.
Una nang iniutos ng China ang pagpapasara sa naturang kunlada bilang ganti sa hakbang ng Amerika na pag-shutdown din saCchinese consulate sa Houston, Texas bunsod ng alegasyon na sentro ang lugar sa pang-eespiya.
Kanina ay nakita ang pagbaba na ng American flag sa consulate, pagtanggal sa diplotic plaque at pag-alis na rin ng ilang gamit.
Bago ito ilang mga otoridad ng China ang pumasok sa kunsulada upang ito ay okupahan.
Nagtalaga rin sila ng Chinese police sa harapan.
Pinagkaguluhan pa ito ng ilang residente sa lugar, gayundin maraming kumuha ng larawan o selfie at ang iba naman ay nagwagayway ng Chinese flags.