Itinanggi ng US Department of Justice ang mga report na nasa kustodiya nila si dating Comelec chair Andy Bautista.
Liban dito, tumanggi ng magbigay ng karagdagan pang detalye si US Justice Spokesperson Nicole Navas Oxman.
Kasalukuyan na humaharap ang dating opisyal ng Comelec sa patong-patong na kaso ng money laundering sa southern district court ng Florida.
Matatandaan na noong Setyembre 19 ng nakalipas na taon, in-indict ng Department of Homeland Security and Investigations si Bautista para sa conspiracy sa launder monetary instruments, promotional money laundering, at concealment money laundering.
Sa sumunod namang buwan, hiniling ng US government sa Comelec na magbigay ng mga dokumento para sa kaso laban kay Bautista kung saan nilabag umano nito ang Foreign Corrupt Practices act.
Samantala, itinanggi naman ng dating Comelec chatir ang mga alegasyon at sinabing nakahanda siyang tumugon sa mga kaso laban sa kaniya sa tamang oras at forum.