-- Advertisements --

Naghain na ang US Department of Justice ng motion sa Florida Court para i-unseal ang search warrant sa Mar-a-Lago property ni ex-President Donald Trump.

Kung sakaling payagan ang naturang request maaaring isapubliko ang mga dokumentong nakalap kung saan 10 boxes ang nakuha mula sa isinagawang search warrant.

Isiniwalat ni Attorney General Merrick Garland na personal nitong inaprubahan ang search warrant na nagpahintulot sa paggalugad sa Mar-a-Lago property ni Trump noong Lunes.

May pagkakataon si Trump na tutulan ang unsealing hanggang Biyernes.

Una rito, base sa isang anonymous sources, ang classified documents na may kinalaman sa nuclear weapons ang isa sa mga items na hinahanap ng FBI agents sa isinagawang raid sa Mar-a-Lago residence ni Trump.

Pinaniniwalaan na ang paggalugad ng FBI sa property ni Trump noong August 8 ay may kinalaman sa imbestigasyon kung may mga classified records at sensitibong materyales na tinanggal ang dating pangulo mula sa White House.