Umaabot nasa P1.38 billion o nasa $27.5 million ang tulong na ibinigay ng Amerika sa Pilipinas para labanan ang COVID-19 pandemic sa bansa.
Hindi lamang ito mga donasyong COVID vaccines kundi sa iba’t ibang mga medical supplies at facilities.
Siniguro naman ng US government na magpapatuloy pa ang kanilang tulong sa Pilipinas na kanilang malapit at kaalyadong bansa.
Iniulat ng US Embassy in the Philippines na nasa mahigit 3.2 million one-shot Johnson & Johnson vaccines ang nai-deliver na ng Estados Unidos sa Pilipinas noong July 16 at July 17.
Ayon kay US Embassy acting Press Attache Jonathan Rose, ang delivery ng J&J vaccine ay bahagi ng kanilang worldwide effort para tumulong na tapusin ang COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Rose na kauna-unahan na nakatanggap ang Pilipinas ng J&J vaccine na tinaguriang “safe, trusted at easy to store shot” na siyang ginagamit ng karamihan sa Amerika.
Mismong ang US government ang nag-provide ng shipment direkta patungong Pilipinas sa pamamagitan ng Covax facility ng WHO.
Ang delivery ng J&J vaccine ay sinalubong nina US Embassy Charge d Affaires John Law, Acting USAID Mission Director Sean Callahan, DFA Sec Teodoro Locsin Jr., Health Secretary Francisco Duque, Vaccine Czar Carlito Galvez at NEDA Sec Karl Chua noong July 16 at 17.
Ayon naman kay Charge de Affaires John Law ang donasyong bakuna ng US sa Pilipinas ay patunay na matatag pa rin ang relasyon ng dalawang bansa at malaking tulong ang bakuna sa buhay ng milyong mga Pilipino.
Una nang nakatanggap ang Pilipinas ng higit seven million vaccine doses sa pamamagitan ng COVAX Advance Market Commitment (AMC), isang global initiative na pinapatakbo ng Gavi, isang vaccine alliance na sumusuporta sa equitable access ng mga COVID-19 vaccines.
Ang Amerika ang may pinakamalaking monetary contributor sa Gavi, kung saan nakapag-donate na ang US ng tinatatayang nas aP100 billion o katumbas ng $2 billion dollars.