-- Advertisements --

Duda ang Ukrainian Armed Forces sa anunsyo ng Russian forces na ceasefire para sa humanitarian corridors.

Sinabi ng Armed Forces na hinilingin daw ng Russia na sumang-ayon ang Ukraine sa mga ruta at oras ng pagbubukas ng mga humanitarian corridors at abisuhan ang mga kinatawan ng mga foreign embassies, UN, OSCE at Red Cross.

Ngunit ayon sa Ukraine mahirap na magtiwala sa occupiers.

Nauna nang nag-anusiyo ang Russian forces ng “silence regime” upang mabigyan ng pagkakataon na makalikas ang mga civilian populations mula sa Kyiv, Chernihiv, Sumy, Kharkiv at Mariupol.

Napag-alaman na simula ng mangyari ang Russian invasion, mahigit 2 million katao na ang lumikas mula Ukraine.

Sinabi naman ng Amerika na nasa walo hanggang 10 percent na military assets ang nawala sa Russian military.

Sira at hindi na magagamit pa ang nasabing mga military assets na kinabibilangan ng mga tangke, aircraft, artillery at marami pang iba.