-- Advertisements --

Dumistansiya naman ang US sa nasabing pagsabog ng pager.

Ayon kay State Department spokesman Matthew Miller, na wala silang kinalaman sa nasabing insidente.

Patuloy nilang inaalam kung paano at sino ang nasa likod ng pagsabog.

Hinikayat din nito ang Iran na huwag samantalahin ang insidente at subukan munang pag-aralan kung sino ba talaga ang dapat managot.

Magugunitang nasa siyam katao ang nasawi at ilang libo ang sugatan dahil sa pagsabog ng pager device.