Bumoto na sina Democratic candidate Joe Biden at asawang si Jill sa kanilang bayan sa Wilmington, Delaware.
Sinabayan ito ng kaunting parada kung saan patuloy pa rin ang paghikayat ni Biden na iboto siya sa pagkapangulo sa US.
Nauna ng bumoto si US President Donald Trump nitong nagdaang weekends.
Muling ikakampanya ni dating US President Barack Obama si Biden sa araw ng Linggo sa Michigan.
Magugunitang unang ikinampanya ni Obama si Biden sa Florida at sa Philadelphia noong mga nagdaang mga araw.
Isasagawa naman ni Trump ang kaniyang rallies sa Bullhead City Arizona at sa Phoenix habang si Biden ay magsasagawa ng remote public health and finance events sa Delaware.
Magtutungo naman si Vice President Mike Pence sa Wisconsin at Michigan habang ang katunggali nitong si Kamala Harris ay dadalo sa drive-in event sa Tucson at Phoenix kasama ang singer na si Alicia Keys.
Pumalo na sa mahigit 73 million ang naitalang early voting sa US, ito ay mahigit kalahati sa voting turnout noong 2016.
Kapwa namang nagnegatibo sa mga isinagawang COVID-19 test sina Democrats candidate Joe Biden at Kamala Harris at maging si US Vice President Mike Pence.
Isinasagawa kasi ang testing araw-araw sa mga nasabing opisyal para matiyak na hindi sila nadadapuan ng COVID-19.