Magsasagawa ng pagpupulong ang miyembro ng Electoral College sa kani-kanilang sarilng estado para bumuto sa magiging pangulo ng US.
Ang nasabing hakbang ay isang uri ng pormalidad sa resulta ng halalan noong Nobyembre.
Isasagawa ang nasabing papupulong dakong 11 ng gabi ng Lunes oras sa Pilipinas.
Bawat electors ng kada estado at ang District of Columbia ay magpupulong sa lugar na napili ng state legislature.
Karamihan ay sa kanilang kapitol habang ang mga electors sa Delaware ay sa gym at taging ang Nevada lamang ang estado na may virtual meeting ngayong taon.
Pinipili ang mga electors ng mga state parties kung anong partido ang nanalo.
Karamihan sa mga dito ay political activitists, officials, donors at mga tao.
Tanging ang Maine at Nebraska ang mag-aaward sa kanilang electoral college votes sa mga mananalo ng popular vote sa kanilang estado.
Ilang mga estado ay magsasagawa ng livestream lalo na sa itinuturing na battleground states kung saan panalo si US President elect Joe Biden sa Michigan, Wisconsin, Pennsylvania at Georgia.
Matapos ang Electoral college voting ay ipapadala nila ang resulta sa Congress kung saan ang mag-ko-convene ang house at Senate sa Enero 6 na pangungunahan ni Vice-President Mike Pence.
Dito ay bubuksan ang mga envelopes at bibilangin na ang boto.