-- Advertisements --
Nababahala ang US Embassy dahil sa patuloy pa rin ang pagkalat ng mga fixer o sindikato na nambibiktima sa mga nais na mapabilis ang kanilang visa applications.
Sinabi ni Leon Gender ng fraud prevention manager ng US Embassy sa Maynila, gumagamit ng mga social media ang mga sindikato para manghikayat sa kanilang biktima.
Magpapanggap pa minsan ang mga ito na may kakilala sa loob ng US Embassy kaya mabilis nilang napapaniwala ang kanilang mga biktima.
Iginiit naman ni Gender na hindi naman mahirap ang kumuha ng visa at sa katunayan aniya ay mataas ang bilang ngayon ng mga naaprubahan ng mga kumuha ng visa application.