Naglabas ng abiso ang U.S Embassy sa Pilipinas patungkol sa mga scam na message at email na umano’y ipinadadala sa mga visa applicants na humihingi ng bayad at nagpapanggap na empleyado ng U.S government.
‘Scammers often pretend to be US government employees to trick applicants into sending them money,’ ayon sa advisory nito.
Hinimok naman ng embassy na maging mapanuri ang publiko na ang ginagamit umano ng mga scammers ay ang mga email address na nagtatapos sa ‘@state.gov’ o ‘support-philippines@usvisascheduling.com’.
Nilinaw naman ng U.S embassy na hindi sila gumagamit ng social media o iba pang mga messaging apps at hindi nanghihingi ng bayad o pera sa mga U.S visa applicants nito.
‘We will never directly communicate to applicants about a specific case from any other email address, social media, or other message platforms such as Facebook, Viber, or WhatsApp,’ saad pa ng advisory.
‘The Embassy never requests a visa payment via email, phone, social media, or messaging application,’ dagdag pa sa advisory. ‘All visa fee payments are initiated through the travel.state.gov (immigrant visas) or the ustraveldocs.com (nonimmigrant visas) portals.’