-- Advertisements --

Nakikipag-ugnayan na ang US Embassy sa Commission on Elections sa posibleng pagpapadala nila ng mga American observers sa darating na halalan sa Mayo.

Sinabi ni Embassy Charges d’Affaires Heather Variava , na naiparating na nila sa Comelec ang nasabing usapin.

Nakatanggap rin aniya sila ng mga katanungan sa ilang mga pangunahing organisasyon sa US ukol sa pag-obserba nila sa nalalapit na halalan.

Handa silang makatrabaho ang Comelec kapag may programa ng nabuo.