-- Advertisements --

Tinutulungan na ng US Embassy sa Beirut ang kanilang mga mamamayan para lumikas palabas ng Lebanon dahil sa tumitinding sigalot sa pagitan nila ng Israel.

Mayroon na rin sila ng ibinibigay na mga form sa mga mamamayan nila para agad na matulungan makalabas.

Nakikipag-ugnayan na rin ang US Embassy sa ilang mga airline companies sa mabilis na pagpapalikas ng kanilang mga mamamayan.

Una ng pinayuhan ng US State Department ang kanilang mga mamamayan na nasa Lebanon na lumikas agad dahil sa patuloy na kaguluhan.