-- Advertisements --
Muling binuksan ng US ang kanilang embahada sa Kyiv matapos ang banta ng airstrike.
Nitong Miyerkules kasi ay kumalat ang impormasyon na target ng Russia ang US embassy na nakabase sa Ukraine.
Sinabi ni State Department spokesperson Matthew Miller na inalala lamang nila ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado kaya nagdesisyon silang magsara.
Pinatunayan naman ng Ukraine na ang impormasyon na ipinakalat ng Russia na airstrike ay peke.
Magugunitang nagbanta si Russian President Vladimir Putin na gaganti ito matapos na payagan ng US ang Ukraine na gamitin ang kanilang missiles.