-- Advertisements --

Nag-abiso ang US embassy sa Manila at ilang US foreign mission sa buong mundo na sarado ang kanilang tanggapan sa Enero 9.

Kasunod ito sa pagdeklara ni US President Joe Biden ang nasabing araw bilang national day of mourning dahil sa pagpanaw ni dating US President Jimmy Carter.

Sa pamamagitan ng executive order ay inatasan ni Biden ang lahat ng mga department at ahensiya ng US federal government na sarado nasabing araw bilang pagbibigay pugay sa pang-39 na pangulo ng US.

Si James Earl Carter Jr na isang Nobel peace laureate ay naging pangulo ng US mula 1977 hanggang 1981 na namayapa sa bahay niya noong Disyembre sa Plains,Georgia.