-- Advertisements --

Nanguna sa kampanya kontra sa human trafficking ang US embassy sa Manila.

Mula Marso 24 hanggang 28, nag-host ang gobyerno ng Estados Unidos, sa pamamagitan ng Defense Threat Reduction Agency (DTRA), ng maritime security training upang palakasin ang kakayahan ng gobyerno ng Pilipinas na labanan ang hazardous chemical, biological, radiological, and nuclear (CBRN) materials.

Sa Targeting and Risk Management Workshop sa Maynila, sinanay nila at ng facilitators mula sa Philippine Office for Transportation Security (OTS) ang 35 kinatawan mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa pagkilala at paghadlang sa iligal na barko at kargamento.

Kasama sa pagsasanay ang “train-the-trainer” activities upang mapanatili ang mga hakbang sa seguridad sa maritime operational at doctrinal gaps.

Ang mga participants ay mula sa iba’t-ibang ahensya, tulad ng Department of Trade and Industry, Department of Transportation, Bureau of Customs, Philippine Ports Authority, Maritime Industry Authority, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, at Philippine National Police Maritime Group.

Pinasalamatan ni Director Jose S. Embang, Jr. ang Defense Threat Reduction Agency sa suporta nito na tumulong sa Pilipinas na pahusayin ang mga pamamaraan sa pagtugon sa mga potensyal na hazardous materials sa mga pantalan.

Binibigyang-diin ng workshop ang pagpapalakas ng U.S.-Philippine cooperation para sa seguridad at kaunlaran ng rehiyon ng Indo-Pacific.