-- Advertisements --

Tutulong ang US Embassy ng bansa sa paghahanap ng nawawalang eroplano at piloto na mag-iisang buwan ng nawawala matapos na ito ay bumagsak sa Baler, Aurora.

Ayon sa Embahada, mismong si Deparment of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsion Jr, ang humingi ng ayuda sa kanila.

Tiniyak ng US Embassy na makikipagtulungan sila sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Magugunitang mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan ng biglang nawala ang eroplano sa bulubunduking bahagi ng Baler, Aurora.