Nagmatigas umano si US Energy Secretary Rick Perry na hindi sisipot sa imbitasyon ng US Congress para magtestigo sa impeachment hearing laban sa kanyang boss na si US President Donald Trump.
Sinasabing si Perry daw kasi ay merong mahalagang papel sa iskandalo sa Ukraine issue.
Ang pagtanggi ni Perry na makibahagi ay inanunsyo ng Energy spokeswoman na si Shaylyn Hynes.
“The Secretary will not partake in a secret star chamber inquisition where agency counsel is forbidden to be present,” wika pa ni Hynes sa statement. “If the committee is interested in conducting a serious proceeding they are welcome to send for the Secretary’s consideration an invitation to participate in an open hearing where the Department’s counsel can be present and the American people can witness.”
Kung maalala ang tangkang impeachment ay niluluto ng mga kongresistang Democrats dahil daw sa pag-abuso ni Trump sa kanyang kapangyarihan upang i-pressure ang Ukraine na imbestigahan ang kalaban ni Trump sa politika na si dating US Vice President Joe Biden.
Una namang sinabi ni President Trump na ang kanyang energy scretary ay magre-resign na rin sa buwan ng Disyembre.
Tuloy-tuloy din naman ang pambabatikos ni Trump sa mga kalaban sa politika sa kanilang Kamara na nagsusulong sa kanyang impeachment.
“You can’t Impeach someone who hasn’t done anything wrong!” ani Trump sa kanyang twitter account. “Republicans have never been more unified than they are right now! The Dems are a mess under the corrupt leadership of Nervous Nancy Pelosi and Shifty Adam Schiff!”