-- Advertisements --

Nakatakdang bumiyahe sa Russia si US Middle East Envoy Steve Witkoff para makapulong si President Vladimir Putin.

Ito ay kasunod ng pagpayag ng Ukraine ng 30- araw na ceasefire na alok ng US.

Nakausap na rin ni US National Security Advisor Mike Waltz ang Russian counterpart nito ukol sa nasabing gagawing pulong.

Umaasa ang White House na magiging mabunga ang nasabing pag-uusap.

Magugunitang ipinagmalaki ni US President Donald Trump na kaniyang gagawin ang lahat ng makakaya para tuluyan ng matigil ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.