-- Advertisements --
us envoy

Pinangunahan ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang pagdaraos ng Veterans Day ceremony sa Manila American Cemetery at Memorial sa Fort Bonifacio para bigyang pugay ang mga American at Filipino veternas at service members ngayong araw.

Dito, nag-alay ng sandaling katahimikan at bulaklak ang mga panauhin.

Nagbigay pugay din ang US envoy sa mga veteran at pinuri ang matatag na alyansa ng US at Pilipinas at ang nagpapatuloy na Kamandag military exercises.

Samantala, kumatawan ipinaabot naman ni Philippine Veterans Affairs Office Administrator Undersecretary Reynaldo Mapagu ang pahayag ni Defense Secretary Gilbert Teodoro kung saan binigyang diin ng opisyal ang iron-clad alliance ng Estados Unidos at PH at ang person-to-person ties bilang bedrock ng ugnayan ng dalawang bansa.

Sinabi din ng DND official na sa gitna ng mga umuusbong na security developments, ang hukbong sandathan ng dalawang bansa ay patuloy na magkakapit-bisig at magtutulungan sa pagtataguyod ng kapayapaan, istabilidad at seguridad sa Indo Pacific region.

Samantala, iginawad naman ni Ambassador MaryKay Carlson at ng Philippine Veterans Affairs Office sa 50 Filipino World War II Veterans sa isang seremoniya sa Taguig City ang Congressional Gold Medal, na pinakamataas na civilian honor o parangal ng U.S. Congress.