-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ngayon ng US Federal Aviation Administration (FAA) ang insidente ng pagkakatanggal ng takip ng makina ng Southwest Airlines.
Ang takip ng makina kasi ng Boeing 737-800 ay nahulog ilang minuto matapos na ito ay mag-take off mula sa Denver.
Tumaam pa aniya ang nasabing takip sa isang pakpak ng eroplano.
Ligtas namang nakabalik sa Denver International airport ang eroplano kung saan inilipat sa ibang eroplano ang ilang pasahero at naantala ng tatlong oras ang kanilang biyahe.
Noong 2017 ay sumailalim na sa pagsasaayos ang nasabing eroplano.
Magugunitang mahigpit na iniimbestigahan ng mga otoridad ang Boeing kung saan noong Enero ay natanggal ang door plug panel ng Alaska Airlines 737 Max 9 jet.