-- Advertisements --
Inindorso na ng US Food and Drugs Administration (FDA) ang pagkakaroon ng emergency use authorization ng COVID-19 vaccine ng Moderna.
Kapag nabigyan na ng authorization ay magiging pangalawang bakuna ito sumusunod sa Pfizer/BioNTech.
Base sa ginawang clinical trials ng bakuna na mayroong hanggang 95% ang effectivity ng nasabing bakuna.
Hindi rin ikinaila ng kumpanya na mayroong mararamdamang kaunting side effects gaya ng pagkahilo at pananakit ng ulo ang mga mababakunahan.
Sa ginawang botohan ng US FDA nakakuha ito ng 20 na pabor sa bakuna at isa ang absentism.