-- Advertisements --

Binigyan na ng US Food and Drugs Administration (USFDA) ng emergency use ang COVID-19 vaccine ng Pfizer para gamitin sa mga batang edad limang hanggang 11-anyos.

Sinabi ni acting US FDA chief Janet Woodcock na dumating na rin ang pinakahinintay ng maraming mga magulang.

Maituturing na ang pagpapapabakuna sa mga bata sa nasabing edad ay daan para makabalik na sa normal ang pamumuhay.

Magugunitang nagsagawa ang Pfizer ng clinical trials kung saan sa 2,000 mga participants ay 90 percents sa mga dito ay naiwasan ang pagkakaroon ng symptomatic disease.