-- Advertisements --

Binigyan na ng US Food and Drugs Administration (USFDA) ng expanded authorization ang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine booster sa mga may edad 16 at 17 anyos.

Ito ay dahil dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Ang nasabing desisyon ng US FDA ay matapos ang isang araw ng maglabas ang nasabing drug company ng lab test sa pagiging epektibo ng bakuna laban sa Omicron.

Pag-aaralan pa at posibleng ratipikahan ng Centers for Disease Control and Prevention ang ibinigay na emergency use authorization (EUA) ng US FDA.