-- Advertisements --

Nakatakdang aprubahan ng US Foods and Drugs Administration (FDA) ang single-shot coronavirus vaccine na gawa ng Johnson & Johnson matapos na makitang ito ay ligtas.

Nakita kasi ng US FDA na ang bakuna na mula sa kompanya ay mayroong benepisyo na nagpapabawas ng symptomatic at ang mayroong sakit na.

Sakaling maaprubahan ay magiging cost-effective alternative ito sa Pfizer at Moderna.

Nasa 66 percent ang effectivity ng bakuna na gawa ng Johnson and Johnson.

Ipinagmalaki naman ng Johnson and Johnson na mayroon na silang apat na milyong doses na bakuna kapag ito ay naaprubahan na.