-- Advertisements --
SALIVADIRECT
Yale University

Inaprubahan ng US Food and Drugs Administration ang saliva-based COVID-19 test na ginawa ng mga researchers ng Yale University.

Tinawag ito na SalivaDirect kung saan gamit ang laway ng isang tao para malaman kung positibo ito sa COVID-19.

Paglilinaw naman ng US FDA na gagamitin lamang ito bilang emergency purpose lamang.

Ayon kay Anne Wyllie, assistant professor at associate research scientist ng Yale School of Public Health, na aabot lamang sa $10 o mahigit P500 ang singil nila kada test.

Ang nasabing test rin ay pinunduhan ng NBA at NBA Players Association noong Hunyo.

Lumalabas sa pagsusuri na ang SalivaDirect ay pumapantay ng 88% hanggang 94% sa mga isinasagawang nasopharyngeal swab at ilang mga saliva testing methods.

Sinabi naman ni US FDA Commissioner Stephen M. Hahn, na pumasa sa kanilang validation para sa emergency use ng COVID-19 testing ang nasabing paraan.