Pormal nang inirekomenda ng US Food and Drugs Administration (FDA) ang pagbibigay authorization sa COVID-19 vaccine ng Pfizer.
Inilabas ang emergency use authorization (EUA) matapos ang ginawang virtual meeting ng 21 Vaccines and Related Biological Products Advisory Committee.
Mayroong 17 sa mga expert panel ang sumang-ayon sa pagbibigay authorization sa bakuna habang apat naman ang tumutol sa paggamit para sa edad 16-anyos pataas.
Magugunitang nauna nang inihayag ni US President Donald Trump ang mabilisang pagbibigay ng authorization nila sa COVID-19 vaccine ng Pfizer/BioNTech.
Inaasahan ng pamahalaan ng Amerika na mababago na ang matinding krisis na kanilang nararanasan dulot ng pandemya kung saan nito lamang nakalipas na isang araw ay record-high na naman ang naitalang nasawi na mahigit sa 3,000.
Habang ang umaabot din sa mahigit 200,000 kada araw ang naidadagdag na mga bagong kaso
Sa ngayon mahigit na sa 15.4 million katao ang kinapitan sa Amerika ng coronavirus at halos nasa 290,000 naman ang death toll na wala pa sa isang taon.
Samantala agad namang ikinatuwa ni Pfizer CEO Albert Bourla ang pagbibigay na clearance ng FDA sa vaccine.
“And if the FDA issues an authorization, stand at the ready to bring this vaccine to people in the U.S. in an effort to help combat this devastating pandemic,” ani Borla.
Para naman sa ilang US government officials tiniyak ng mga ito ang kahandaan sa agarang pag-distribute ng vaccine sa loob ng 24 oras matapos ang pagbibigay go-signal sa paggamit nito.