-- Advertisements --
Inirerekomenda ng ilang mga health authorities sa US ang pagtigil nila ng paggamit ng COVID-19 vaccine na gawa ng kumpanyang Johnson & Johnson.
Ito ay dahil sa napaulat na kakaibang kaso ng mga blood clotting matapos turukan ng nabanggit na bakuna.
Ayon sa US Food and Drug Administration (FDA) na anima na kaso sa 6.8 milyon doses ang napaulat na nagkaroon ng blood clotting.
Inanunsiyo rin ng nasabing kumpanya na maantala rin ang kanilang vaccine rollout sa Europe.
Ang hakbang na ginawa ng US ay kahalintulad din ng kaso ng AstraZeneca vaccine na nagkaroon din ng mga blood clotting issues.
Maguguintang noong Pebrero 27 inaprubahan ng US ang paggamit ng bakuna ng Johnson & Johnson na sinasabing mas mabisa kumpara sa Pfizer-BioNTech at Moderna.