-- Advertisements --
Inapruban ng US Food and Drugs Administration (FDA) ang pagbebenta ng electric cigarette.
Paliwanag ng FDA na mas nakita nilang matimbang ang magandang benepisyo nito sa mga may edad na sinusubukang tumigil sa paninigarilyo kaysa sa mga kabataan na nagiging interesado sa mga e-cigarette.
Pinayagan nito ang tobacco-flavoured na e-cigar na salungat naman sa mabenta sa mga kabataan na sweet flavor.
Mahigit 10 taon ng ibinebenta sa US ang e-cigarette na karamihan ay binibili ng mga kabataan hanggang pinag-aralang mabuti ng FDA ang mga pors at cons para sa public health ng nasabing e-cigarette.