-- Advertisements --
Binigyan na ng authorization ng US Food and Drugs Adminstration (USFDA) para gamitin bilang booster doses ng COVID-19 vaccines sa mga may edad ang Pfizer BioNTech at Moderna.
Dahil dito ay inaasahang milyong mga Americans na ang matuturukan na ng dagdag na proteksyon.
Isinagawa ang desisyon ng USFDA matapos ang ginawang pagpupulong nil ang US Disease Control and Prevention (CDC) sa booster.
Aabot kasi sa mahigit 31 milyong katao sa US ang nakatanggap na ng COVID-19 booster shots.
Nauna sinabi ni US Infectious disease doctor Anthony Fauci na ang booster shots ay makakatulong lalo na at paparating na ang malamig na panahon.