Nagsampa na ng kaso ang US federal court ngayong araw laban sa Boeing Company.
Ang kaso ay isinampa sa Chicago federal court ng tatlong menor de edad na anak ni Jackson Musoni, mga Dutch citizens at kasalukuyang naninirahan sa Belgium, ay inaakusahan ang manufacturer ng Boeing 737 Max sa hindi pagbibigay abiso ng kumpanya sa mga pasahero at piloto sa di-umano’y palyadong sensors ng eroplano.
Ang nangyaring aksidente sa Boeing ay nagbigay daan sa pamilya ng mga biktima, kahit ang mga non-US residents, upang magsampa ng kaso sa US courts.
Hindi naman kaagad nagkomento rito ang Boeing.
Kung matatandaan, sinuspinde ang 737 MAX planes sa iba’t ibang airline companies kasunod ang aksidenteng nangyari sa Ethiopian Airlines. limang buwan matapos ang parehongn aksidente sa Lion Air crash sa Indonesia na ikinasawi ng 189 katao.
Ayon sa Boeing noong Miyerkules, nagsagawa na umano sila ng upgrade sa software system ng 737 MAX upang maiwasan ang maling data na maaaring mag-trigger sa anti-stall system.
Sa unang imbestigasyon na isinagawa ng mga otoridad, may pagkakapareho ang nangyari sa magkahiwalay na plane crash ng Ethiopian Airlines at Lion air na naging sanhi ng pagkamatay ng marami.