Posibleng maideliver na ang mga F-16 fighter jet na planong bilhin ng gobyerno ng Pilipinas mula sa Estados Unidos simula sa susunod na taon 2026 o sa 2027.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez by tranches ang gagawing delivery ng Amerika.
Inaprubahan na kasi ng US ang pagbebenta ng $5.58 bilyon na mga modernong fighter jet sa Pilipinas.
Ang mga nasabing fighter aircraft ay gagamitin para sa defense posture ng Pilipinas.
Kinumpirma ni Amb. Romualdez na ang mga nasabing fighter jets ay mga brand new.
Ang planong pagbili ng F-16 fighter jet ay maituturing na pinakaambisyoso at pinakamahal na gagawing procurement ng Pilipinas sa ilalim ng AFP modernization program.
Sinabi ni Romualdez na naka depende sa napag-usapan na mga terms at kung ito ay affordable para sa Pilipinas at kung maaprubahan ng Kongreso at ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Aminado si Amb. Romualdez na ang patuloy na pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea ang dahilan kung bakit nais ng Pilipinas na i-modernize ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas at bumili ng mga fighter jets.
Giit ng Ambassador ang patuloy na pambu-bully ng China ang pinaka malaking hamon sa ating territorial integrity at sovereignty.
Una ng inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang pagbili ng Pilipinas ng fighter jets ay hinde para sa isang specific target or state.
Ayon naman sa National Security Council (NSC) ang procurement ng F-16 fighter jets ay bahagi ng modernization program ng AFP..