-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nagsagawa ng ilang mga aktibidad ang mamamayan sa Amerika bilang pag-alala sa mga biktima ng September 11 attack, 22 taon na ang nakakalipas.

Ayon kay Bombo International Correspondent Marlon Pecson, naka half-mast ang mga American flag sa buong bansa bilang pakikiisa sa mga pamilya ng mga biktima sa isa sa pinakamadugong pag-atake sa naturang bansa.

Matatandaan na noong 2001 ay napatay ng mga terorista ang nasa 3,000 katao at ikinasugat ng nasa 6,000 iba pa.

Ang naturang insidente ang naging daan sa pagsasaayos ng foreign policy at pagpapaigting ng national security sa Estados Unidos.

Ayon kay Pecson, pinangunahan ni Vice President Kamala Harris ang mga aktibidad sa ground zero kung saan nagkaroon ng pagbabasa ng pangalan ng mga biktima sa lower Manhattan.

Dagdag pa nito na kahit wala sa bansa si US President Joe Biden, na kasalukuyang nasa Vietnam at nagpaabot pa rin ito ng pagkilala at pag-aala sa mga biktima ng naturang pangyayari.