-- Advertisements --
football USMT

Nagdesisyon ngayon ang United States men’s football team na kanselahin na rin ang pagbiyahe sa bansang Qatar para sana sa winter training camp.

Ang kanilang hakbang ay bunsod nang tumitinding tensiyon sa Middle East dahil sa banta ng Iran na gaganti sa Amerika matapos na mapatay ang kanilang top general sa Iraq.

Ang 20 araw na training camp ay magsisimula na sana ngayong linggo sa Doha Aspire Academy sa Qatari capital.

Dahil dito ang 25 mga players ng Amerika ay lilipat na lamang sa kanilang annual training sa IMG Academy sa Brandenton, Florida.

Sa ngayon ang mga siyudad sa Estados Unidos ay inilagay na rin sa heightened terror alert lalo na ang New York City.

Ayon sa Department of Homeland Security (DHS) wala naman silang natukoy na “specific at credible threats” pero naka-ready ang kanilang mga tropa upang depensahan ang Amerika.