Itinaas sa high alert ang mga US Forces at mga air-defense missile batteries sa Middle East dahil sa posibleng pagganti ng Iran.
Ang nasabing hakbang ay base na rin sa nakuang intelligence report ng US sa posibleng pag-atake ng Iran sa mga pasilidad ng US.
Nakita rin ng US intelligence ang paggalaw ng mga military equipment kasama na ang mga drones at ballistic missiles.
Mahigpit na binabantayan ng US ang posibleng pag-atake sa kanilang pasilidad na nasa Kuwait, Iraq, Saudi Arabia, United Arab Emirates at Jordan.
Naglabas din ang US Maritime Administration ng babala sa mga commercial vessels na dumadaan sa Middle East tungkol sa posibleng gawing hakbang ng Iran.
Inaasahan na kasi ng US ang pagganti ng Iran matapos na mapatay nila si Iranian military general Qasem Soleimani.