Naaresto na ng American forces na nakabase sa Syria ang isang ISIS leader na umano’y utak sa kamakaila’y nangyaring prison break sa Syria.
Kinilala ang naturang terorista bilang si Khaled Ahmed al-Dandal na naaresto sa pamamagitan ng U.S.-Syrian Democratic Forces (SDF) operation.
Si al-Dandal ay itinutuo ng U.S. Central Command bilang utak sa prison break na nangyari noong Aug. 29 kung saan dalawang Russian, dalawang Afghan, at isang Libyan ang tinulukan umano niyang makatakas sa detention facility sa Raqqa, isa sa mga northern city ng Syria.
Ang mga ito ay pawang mga foreign fighter ng ISIS.
Isinailalim na sa masusing imbestigasyon si al-Dandal na kasalukuyang nasa kostudiya ng US Central Command.
Samantala, ilang araw bago nito ay nahuli rin ng US at Syrian Forces ang dalawa sa mga naunang nakatakas na ISIS foreign fighters.
Sa kasalukuyan, pinaghahanap pa ang tatlong foreign fighters na kinilalang sina Timor Talbrken Abdash, isang Russian, Shuab Muhammad Al-Abdli, at Atal Khaled Zar, kapwa mga Afghanistan.