-- Advertisements --

Inaasahan ngayon ng mga US military commander ang pormal na utos mula kay US President Donald Trump na tanggalin na ang mga US troops sa Afghanistan at Iraq.

Naglabas na umano ng ”warning order” ang Pentagon may kaugnayan sa kanilang plano na pauwiin na ang 2,500 US troops sa Afghanistan at 2,500 US troops sa Iraq sa January 15.

Trump on chopper

Sa kasalukuyan, nasa 4,500 US troops ang naka-assign sa Afghanistan habang 3,000 troops sa Iraq.

Sa ngayon, hindi pa nagbigay komento ang Pentagon at White House sa nasabing report.

Nauna nang nagsabi si Trump na dapat ay mayroon lang maliit na natitirang bilang ng kanilang mga sundalo na maglilingkod sa Afghanistan sa panahon nang Pasko.