-- Advertisements --
Inatasan ni US Pres Donald Trump ang karamihan ng mga tropa ng US na umalis na sa Somalia sa pagsisimula ng 2021.
Ito ang pinakabagong pangunahing desisyon mula sa militar na inihabol sa mga huling araw ng Trump administration.
Ayon sa Pentagon, iniutos mismo ni Trump sa Department of Defense at United States Africa Command ang reposition sa karamihan sa mga personahe at assets na nasa Somalia.
Tiniyak naman ng Pentagon na sa kabila ng nasabing hakbang, hindi ito makaapekto sa US policy.
Ang utos ni Trump ay kasunod sa anunsyo noong Nobyembre 17 na pauwiin na ang libu-libong mga tropa ng Amerika mula sa Afghanistan at Iraq pagsapit ng Enero 15, 2021. (with report from Bombo Jane Buna)