-- Advertisements --

Tinuruan ng mga US Marines mula sa 3rd Battalion, 8th Marines, at 3rd Marine Division ang mga miyembro ng Philippine Marines sa Urban Warfare Techniques (UWT).

Sa ulat na inilabas ng US Embassy, ginanap ang nasabing training sa bahagi ng Zambales.

Layon ng nasabing pagsasanay ay para lalo pang mag-improve ang basic urban warfare techniques ng mga sundalong Pinoy.

Kabilang sa mga itinuro ng US Marines sa Philippine Marines ay ang mga paaran sa pag-clear sa mga kuwarto, hallways at multi-level buildings.

Ayon sa US Embassy, ang bilateral maritime exercise sa pagitan ng American at Philippine Navy ay nakadisenyo para palakasin pa ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang armed forces.

Ayon naman sa Armed Forces of the Philippines, very timely ang training dahil ganoong taktika ang ginagamit ng militar sa Marawi kung saan closed quarter battle ang set up.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng Philippine Marines sa Estados Unidos dahil sa patuloy nitong pagbibigay ng tulong para sa kanilang mga sundalo.