-- Advertisements --

Pumanaw na ang naging kauna-unahang Black US secretary of state at retired General Colin Powell dahil sa COVID-19 complications.

gen colin powell 1

Ito ang kinumpirma ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng official social media account.

Si Powell ay binawian ng buhay sa edad na 84-anyos, sa kabila na ito ay fully vaccinated na laban sa virus.

Ang dating naging chairman ng US Joint Chiefs of Staff, ay nagsilbi rin sa ilang Republican administrations at tumulong upang mabuo ang American foreign policy sa huling bahagi ng 20th century at unang bahagi ng 21st century.

“General Colin L. Powell, former U.S. Secretary of State and Chairman of the Joint Chiefs of Staff, passed away this morning due to complications from Covid 19,” bahagi nang anunsiyo ng Powell family sa Facebook. “We have lost a remarkable and loving husband, father, grandfather and a great American.”

Si Powell ay kinilala sa kanyang kagalingan bilang isang professional soldier na nagsilbi mula sa combat duty sa Vietnam hanggang sa pinili bilang first Black national security adviser sa kanyang pagretiro sa bago matapos ang administrasyon ni dating US President Ronald Reagan.

Siya ang pinakabata na first African American chairman of the Joint Chiefs of Staff noong panahon ni dating Presidente George H.W. Bush.

Kuminang ng husto ang career ni Powell pagkatapos na pangunahan ng Amerika ang coalition forces sa panalo sa Gulf War noong kalagitnaan ng dekada nubenta.

Dahil sa kanyang kasikatan, naging contender pa siya bilang una sanang Black president ng Estados Unidos pero hindi naman natuloy ang kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo.

colin powell 2
Gen. Colin Powell

Gayunman nabahiran ang kanyang reputasyon noong siya ang secretary of state nang aminin niya sa United Nations ang sablay na nakalap na intelligence report na may kinalaman sa Iraq war.

Si Powell ay ipinanganak noong April 5, 1937 sa Harlem, New York sa mga magulang na Jamaican immigrants.

Matapos lumaki sa South Bronx, nag-aral siya sa City College of New York at sa kanyang ROTC training ay nasungkit niya ang top rank na cadet colonel.

Samantala sa pagpanaw ni Powell, naiwan niya ang kanyang misis na si Alma Vivian (Johnson) Powell na kanyang pinakasalan noong taong 1962 at nagkaroon sila ng tatlong mga anak.