-- Advertisements --
Inakusahan ng Russia ang US na ginagamit nito ang Ukraine bilang kasangkapan laban sa kanila.
Sinabi ni Russian President Vladimir Putin, na malinaw na ginagamit lamang ng US ang Ukraine laban sa kanila.
Wala rin aniyang pakialam talaga ang US sa totoong seguridad ng Ukraine.
Pinabayaan aniya ng US ang ikinakabahala ng Russia gaya ng paglahok ng Ukraine sa NATO at ang layon ng Russia na maibalik ang Crimea peninsula sa kanila.
Inulit din nito na wala silang balak na atakihin ang Ukraine gaya ng naging akusasyon ng US at iba pang mga bansa.