-- Advertisements --

Kinumpirma ng magulang ni Professional golfer Grayson Murray na ito ay nagpatiwakal.

Ang kamatayan ni Murray ay inanunsiyo ng PGA Tour isang araw matapos na umatras ito sa kumpetisyon sa Charles Schwab Challenge, Fort Worth, Texas.

Noong nakaraang buwan ay nagwagi tio sa Sony Open sa playoff laban sa dating PGA Championship winner na si Keegan Bradley at An Byeong-hun ng South Korea.

Inamin din ng 30-anyos na golf player na
nagkakaproblema ito sa kaniyang mental health at physical issue.

Isinilang siya sa Raleigh, North Carolina at naging isa siya sa best junior player ng mundo.

Nakuha nito ang IMG Junior World titles noong 2006, 2007 at 2008.

Sa edad nitong 19 ay naglaro na siya sa US Open noong 2013.