-- Advertisements --
Magbibigay ang US government ng karagdagang P50 milyon na tulong sa mga biktima ng bagyong Odette.
Ayon sa US Embassy sa Manila na mailalabas ang nasabing tulong sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID) na siyang maglalaan ng logistic support na mailipat ang humanitarian workers at supplies sa mga komunidad kung saan tumama ang bagyo.
Sa kabuuan ay mayroon ng P60 milyong halaga ng tulong ang naibigay ng US sa mga biktima ng bagyo.
Nauna rito maraming mga bansa na ang tumulong sa mga biktima ng bagyong Odette na tumama sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.