-- Advertisements --

Pinagbawalan ng State Department ang mga government personnel ng US na bumiyahe sa Israel.

Kasunod ito sa naging banta ng Iran sa Israel.

Sa inilabas na abiso ng State Department na kasama ang mga kaanak at ng mga government employees ng US ang pinagbabawalang bumiyahe sa Israel, Jerusalem at sa Be’er Sheva.

Sinabi ni State Department spokesperson Matthew Miller na kanilang mahigpit na binabantayan ang nasabing sitwasyon sa lugar.

Magugunitang nagbanta ang Iran na sila ay gaganti matapos ang pagkasawi ng mga mataas na opisyal nila sa isinagawang airstrike ng Israel.