-- Advertisements --

Mistulang nakahinga ng maluwag ang mga mambabatas sa Amerika matapos na mapigilan ang government shutdown.

Kinumpirma ni Senate Majority Leader Mitch McConnell naihabol din ng mga mambabatas ang matagal nang inaantay na coronavirus relief bill.

US Senate Congress Capitol impeachment

Inamin ni McConnell na nabunutan siya ng tinik dahil pansamantala muna nilang naipasa ang one-day stopgap bill na siyang nagsalba para mapigilan ang government shutdown.

Bagamat hindi pa maidetalye ang nilalaman ng panukala, batay naman sa lumutang na pahayag ng ilang congressional leaders, kabilang daw sa binalangkas ay ang paglalaan ng pansamantalang $300 kada linggo bilang supplemental jobless benefits at $600 na tinaguriang direct stimulus payments sa mamamayan ng Amerika.

Isinama rin daw sa pinagtibay ang panibagong subsidies sa negosyo na matinding tinamaan ng krisis na dala ng pandemya, pagbibigay ayuda sa mga eskwelahan, health care providers at sa mga tao na nahaharap sa eviction bunsod ng hindi makapagbayad ng renta.

Sinasabing nagkakahalaga ng $900 billion rescue package ang pormal na ipapasa ng kanilang Kongreso nitong Martes.

Kapwa naman naglabas ng kanilang joint statement sina House Speaker Nancy Pelosi, (D-California), at Senate Minority Leader Chuck Schumer, (D-New York), upang tiyakin ang pagpapaluwal ng pondo upang makatulong sa mga nawalan ng trabaho at makapagsalba ng buhay.

“Today, we have reached an agreement with Republicans and the White House on an emergency coronavirus relief and omnibus package that delivers urgently needed funds to save the lives and livelihoods of the American people as the virus accelerates.”