-- Advertisements --
Gumagawa ng paraan ang US para magkaroon ng tuloy-tuloy na chartered flights sa Afhganistan.
Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na sa ganitong paraan ay para mapadali ang mga pag-uwi ng kanilang mamamayan na naiwan pa sa Afghanistan.
Patuloy aniya ang ginagawang pakikipag-usap nila sa mga Taliban group mula ng sakupin nila ang pamumuno sa Afghanistan.
Nauna ng sinabi ng Taliban na malaya nilang papayagan ang mga tao na makabiyahe palabas ng Afghanistan.
Nasa Qatar kasi si Blinken kasama si US Defense chief Lloyd Austin para humingi ng tulong na kung maaari ay kupkupin muna nila ang mga inilikas na US at Afghan refugees.