-- Advertisements --
Pumanaw na ang kauna-unahang US gymnast Kurt Thomas sa edad 64.
Ayon sa kaniyang asawang si Beckie, na-stroke na ito noong Mayo 24 na nagsanhi ng kaniyang sugat sa basilar artery sa brain stem.
Lumaban si Thomas noong 1976 Montreal Olympics at hindi na naulit pa ang tsansa nito na makakuha ng medalya sa ikalawang Olympics ng i-boycott ng ng US ang 1980 Moscow Games.
Noong 1978 ay nakakuha ito ng gold medal sa floor exercise na siyang unang titulo na nakuha ng US sa men’s category at ito ay naulit noong 1970 sa Forth Worth, Texas.
Umabot sa kabuuang anim na medalya ang nakuha nito sa 1979 world na siyang record holder sa isang American gymnast.