-- Advertisements --

Nakamit ng US gymnastic star Simone Biles ang kaniyang ika-anim na Olympic Gold Medal matapos magtagumpay sa Women’s All-Around category.

Nahigitan nito sa nasabing laban si Rebeca Andrade ng Brazil na itinuturing nitong matinding katunggali.

Nakakuha ito ng kabuuang 59.131 points na mas lamang ng 1.199 points laban sa Brazilan gymnast.

Ito na ang pangalawang all-around gold ni Biles matapos na magwagi ng team gold noong nakaraang mga araw.