-- Advertisements --

Wala pang katiyakan si American gymnast Simone Biles kung sasali pa ba ito sa 2028 Los Angeles Olympics.

Sinabi nito na walang makakapagsabi na makakasali pa dahil sa kaniyang edad.

Dagdag pa ng 27-anyos na Olympic medalist na maaring sa pagdating ng panahon ng torneo ay bumigay na ang kaniyang katawan.

Giit nito na marami na itong accomplishment at medalyang nakuha kaya maaring ipaubaya na lamang niya sa mga mas batang atleta dahil maituturing niyang isang kasuwapangan na kung ipipilit pa ang sarili sa LA Olympics.