-- Advertisements --
Ibinunyag ni American Olympic Gymnast gold medalist Sun Lee na ito ay nabiktima ng anti-Asian hate crime sa Los Angeles.
Sinabi ng 18-anyos na si Lee, nangyari ang insidente habang ito ay naghihintay ng masakyan ng isang mabilis na sasakyan ang huminto sa harapan nito at isang lalaki ang bumaba at nag-spray ng pepper spray sa kaniyang braso.
Nagsisigaw pa umano ang mga sakay nito at siya ay pinapauwi sa pinaggalingan nila.
Wala umano ito nagawa kahit labis ang kaniyang galit.
Magugunitang ilang mga atleta na rin nabiktima ng hate crimes sa US gaya ng basketbolistang si Jeremy Lin.