Nais umano ng Estados Unidos na magsumite ng extradition request para makuha si Apollo Quiboloy.
Gayonpaman, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Babe Romualdez na hahayaan muna ng naturang bansa ang pamahalaan ng Pilipinas na asikasuhin ang mga legal matter na nakapaloob sa kaso nito.
Ayon kay Romualdez, nagpahayag na rin ng interest ang US ngunit nirerespeto dahil sa mga naunang pahayag ng administrasyong Marcos na paharapin muna si Quiboloy sa mga kaso niya sa Pilipinas at posibleng hahayaan na muna ng US ang pag-usad ng kaso nito dito sa bansa.
Gayonpaman, tiniyak ni Romualdez na hindi mawawala o hindi maaalis ang kagustuhan ng US na paharapin din si Quiboloy sa kanyang mga kaso sa naturang bansa.
Tiyak aniyang ihahain din ng US government ang extradition sa takdang panahon.
Ilan sa mga nakalistang kaso ni Quiboloy sa US, batay sa inilabas na poster ng FBI sa most wanted list nito ay ang mga sumusunod:
Conspiracy to Engage in Sex Trafficking by Force, Fraud and Coercion; Sex Trafficking of Children; Sex Trafficking by Force, Fraud, and Coercion; Conspiracy; at Bulk Cash Smuggling